UW Medicine Department of Obstetrics and Gynecology main logo

Ang Mga Bakuna Sa COVID-19 Ay Nagpoprotekta Sa Iyo At Sa Iyong Sanggol Habang Nagbubuntis At Nagpapasuso

Ang mga buntis ay may mas mataas na panganib sa mga komplikasyon at pagkamatay mula sa COVID-19.

Matapos ang masusing pananaliksik, ang mga bakuna sa COVID-19 ay mariing inirerekomenda na ngayon ng CDC, at sampu-sampong libong obstetrician, midwife, doktor ng pamilya at ibang mga tagapagbigay ng serbisyong pagpapaanak (OB) para sa sa mga buntis at nagpapasuso.

Pagdating sa kalusugan mo at ng iyong sanggol, ang pagkakaroon ng wastong impormasyon ay mahalaga. Ang mapagkukunang ito ay binago sa pinakahuling pananaliksik sa kaligtasan sa bakuna, pagbubuntis at COVID-19. Hanapin ang mga sagot sa lahat ng iyong mga tanong, ginawa ng medikal na mga propsyunal, kasama ng mga link sa napatunayang pananaliksik.

Madalas na mga Katanungan

Kaligtasan at mga Panganib ng Bakuna
Expand to read FAQ answer
Paano ko matitiyak na ligtas ang bakuna sa COVID-19 para sa akin at sa aking sanggol?

Maraming pag-aaral kasama ang libu-libong mga buntis at  nagpapasuso na mga indibidwal ang nagpakita na ang mga bakuna sa COVID-19 ay ligtas at  epektibo. Higit sa 100,000 buntis na indibidwal sa Estados Unidos ang  nakatanggap na ng isa sa mga bakuna sa COVID-19.

Nagsama kami ng Google Doc table na pinagsama-sama na nagbubuod  sa mga natuklasan sa kaligtasan ng pagbabakuna sa COVID-19 sa pagbubuntis  mula sa higit sa 25 pag-aaral sa iba't ibang bansa na kinabibilangan ng higit  sa 315,000 buntis na kababaihan. Sa pangkalahatan, walang nakitang nakakapinsalang epekto ng  pagbabakuna sa COVID-19 sa mga resulta ng pagbubuntis na sa alinman sa mga  pag-aaral na ito. Nakita sa ibang pag-aaral na ang mga kababaihang nabakunahan  para sa COVID-19 ay nagkaroon ng mababang peligro ng preterm na panganganak,  stillbirth, maliit na sanggol, o pagkakaroon ng bagong silang na sanggol na  nangangailangan ng pag-admit sa neonatal intensive care unit. Nangangahulugan ito na napag-alaman ng mga pag-aaral na ito na  sinusuportahan ng pagpapabakuna sa COVID-19 ang mas malusog na resulta ng  pagbubuntis. Kung babasahin mo ang dokumentong ito, gumagamit ito ng mga  abbreviation upang ilarawan ang maraming resulta ng pagbubuntis na  pinag-aralan. Narito ang ibig sabihin ng ilan sa mga abbreviation na ito. “PTB” tumutukoy sa preterm na panganganak na nangyayari nang  hindi bababa sa 3 linggong mas maaga kaysa sa inaasahang takdang petsa ng  panganganak. “NICU” ibig sabihin ay neonatal intensive care unit. “SGA” tumutukoy sa pagkakaroon ng mas maliit na sanggol kaysa  inaasahan batay sa panahon (gestational age) ng pagbubuntis nang ipanganak  ang sanggol.

Salamat kay Viki Male, isang Tagapagturo sa Reproductive  Immunology sa Imperial College para sa pag-update sa dokumentong ito.

Pinagmulan:
https://docs.google.com/document/d/19FNXcmdI0MU6RPmvKYo_g9zEWPKl2-l760OX_8zww3E/edit

Talaga bang ligtas ang mga bakuna kapag ikaw ay buntis?

Oo. Ang  pagbabakuna para sa ubong-dalahit at trangkaso kapag ikaw ay buntis ay dekada  nang inirerekomenda at  karaniwang bahagi ng pagpapanatili ng malusog na pagbubuntis. Ang pagbabakuna laban sa COVID-19 ay lubos na inirerekomenda na  rin ngayon.  

Pinagkukunan:
Mga Sentro sa Pamamahala at  Pagpigil  ng Sakit (CDC, Centers for Disease Control and Prevention): Mga Bakuna sa  Panahon at Pagkatapos ng Pagbubuntis

Napanatili kong ligtas ang aking pamilya hanggang ngayon sa  pamamagitan ng pagsuot ng mask, paghuhugas ng kamay, at pagpapanatili ng  pagitan mula sa iba. Bakit mahalaga pa rin na mabakunahan laban sa COVID-19?

Magandang Tanong! Sa  kasamaang-palad, libu-libong Amerikano ang nagulat nang sila ay nahawa ng  COVID-19 sa kabila ng pag-iingat. Mahirap kontrolin ang bawat posibleng pagkalantad lalo na’t ang  pagsusuot ng mask ay hindi ginagawa ng lahat sa mga komunidad. Ang Delta variant ng COVID-19 ay lubhang  nakahahawa at dalawang beses na mas nakahahawa sa orihinal na COVID-19 strain. Ito ay nakahahawa gaya ng bulutong. Dahil sa mga panganib sa pagbubuntis ng COVID-19 at kaligtasan  ng mga bakuna sa COVID-19, lubos na inirerekomenda na magpabakuna kapag  buntis o nagpapasuso. Ito ang  pinakamainam na paraan upang protektahan ang iyong sarili at iyong  pamilya.

Mas malubha ba ang pangalawang mga epekto ng bakuna sa COVID-19  para sa mga buntis?

Hindi. Kabilang  sa karaniwang naiulat na pangalawang mga epekto sa iba’t ibang uri ng mga  bakuna ang lagnat, pagkapagod, pananakit ng ulo, at pananakit ng katawan na  parehong anyo ng pangalawang mga epekto para sa mga taong hindi buntis. Kapansin-pansin sa isang pag-aaral ng halos 8,000 buntis,  natuklasang mas kaunting ulat ng pangalawang mga epekto, tulad ng  lagnat at pananakit ng kalamnan, kumpara sa mga babaeng hindi buntis.

Pinagkukunan: Pahayagan ng Amerikanong Medikal na Samahan (JAMA, Journal of American Medical Association) Bukas na Access: Panandaliang  mga Reaksyon sa mga Buntis at Nagpapaususong Indibidwal sa Unang Yugto ng  Pagbabakuna sa COVID-19

Nakakasanhi ba ng mga depekto sa kapanganakan ang bakuna sa  COVID-19?

Hindi. Humigit-kumulang  3-5% ng mga sanggol sa Estados Unidos ang ipinanganak na may depekto sa  kapanganakan bawat taon. Sa 1,612 na mga babaeng tumanggap ng bakuna sa COVID-19 noong  nagbuntis, 45 ang may mga depekto sa kapanganaakan sa antas na 2.7%. Ito ay karaniwang inaasahan at hindi nagpapahiwatig ng anumang  ugnayan sa bakuna sa COVID-19.

Mga Pinagkukunan:

Martsa ng mga Barya (March of Dimes): Mga Depekto sa Kapanganakan At Iyong Sanggol
Awardee  ng CDC na Pagpupulong sa Pagpaplano ng Pagbabakuna sa COVID-19

Nakakasanhi ba ng pagkakuha o patay na panganganak ang bakuna sa  COVID-19?

Hindi. Karaniwang mga pagtatantya ng pagkakuha sa pagbubuntis ay mula  sa hanay na 11% hanggang 22%. Sa isang pag-aaral na sumusunod sa 2,456 na buntis na  nakatanggap ng bakuna sa COVID-19, nagkaroon ng pagkakuha sa 12.8%.It ay ang karaniwan nating inaasahan.

Mga Pinagkukunan:
• Ang Amerikanong Samahan ng mga Obstetrician at Ginekolohista (American College of Obstetricians and Gynecologists): Mga Resulta sa In Vitro Fertilization at  Maagang Pagbubuntis Matapos ang Pagbabakuna sa COVID-19
• Ang Pahayagan ng Medisina sa New England (The New England Journal of Medicine): Pagbabakuna sa COVID-10 sa Pagbubuntis at Pagkakuha sa Unang  Trimester
• Pahayagan ng Amerikanong Medikal na Samahan (JAMA, Journal of American Medical Association) Pedyatrya: Kusang Aborsyon Kasunod ng Pagbabakuna sa COVID-19 sa Pagbubuntis

Babaguhin ba ang aking DNA, magtatanim microchip at gagawing  magnetic ang aking braso ng alinman sa mga bakuna sa COVID-19?

Wala sa mga bakuna sa COVID-19 ang magbabago ng iyong DNA. Hindi  sila papasok sa nucleus ng selula, na sentro ng control ng selula kung saan  naroroon ang iyong DNA.

Wala sa mga bakuna sa COVID-19 ang naglalaman ng microchip o  gagawing magnetic ang iyong braso. Ang mga ito ay katha-katha.

Maaari ba akong tumanggap ng bakuna sa COVID-19 at iba pang  bakuna nang sabay?

Oo. Ang  immune system ay napakahusay sa paggawa ng mga nagpoprotektang antibody sa  iba't ibang mga bakuna o impeksyon nang sabay-sabay. Karaniwang  prenatal na mga bakuna tulad ng para sa trangkaso at TdAP  (tetanus/ubong-dalahit) ay inirerekomenda sa lahat ng pagbubuntis at  maaaring ligtas na isabay sa mga bakuna sa COVID-19.

Paano pinoprotektahan ng pagbabakuna sa COVID-19 ang aking  sanggol kung ako ay nagpapasuso?

Ang gatas ng ina ay higit pa sa nutrisyon at matagal nang kilala  na nagpoprotekta sa mga sanggol laban sa maraming impeksyon sa pamamagitan ng  pagpasa ng mga nagpoprotektang antibody mula sa ina tungo sa sanggol. Maraming mga pag-aaral ang nagpakita na ang gatas ng ina mula sa  mga indibidwal na nabakunahan laban sa trangkaso habang buntis ay naglalaman  ng mga nagpoprotektang antibody na maaaring maipasa sa sanggol. Ipinakita ng mga kamakailang pag-aaral na ang mga  nagpoprotektang antibody laban sa COVID-19 ay nalilipat sa gatas ng ina  kasunod ng pagbabakuna sa COVID-19.

Mga Pinagkukunan:
Pampublikong Aklatang ng Agham ISA (PLoS ONE, Public Library of Science): IgA at  Neutralizing Antibodies sa Influenza A Virus sa Gatas ng Tao: Isang  Pasumalang Pagsubok ng Antenatal na Pagbabakuna sa Trangkaso
• Translational na Pamamahala ng Agham: Ang mRNA na mga bakuna sa COVID-19 nagtutulak ng mga  differential antibody na Fc-functional na anyo sa mga buntis, nagpapasuso, at  hindi buntis na mga babae
• Mga Bakuna: Ang  bakunang mRNABNT162b2 sa COVID-19 ay nagdudulot ng Tugon ng Antibody ng Tao  sa Gatas ng mga Babaeng Nagpapasuso
• Pahayagan ng Amerikanong Medikal na Samahan (JAMA, Journal of American  Medical Association) Pedyatrya: Ugnayan  ng Paggawa, Pananatili, at Kakayahang na Mag-neutralize ng Antibody sa Gatas  ng Tao sa Impeksyon sa SARS-CoV-2 Laban sa Pagbabakuna ng mRNA

Nababahala ako na minadali ng mga kumpanyang parmasyutikal ang  paggawa ng bakuna para sa pinasyal na pakinabang. Bakit ko sila paniniwalaan  na ligtas ang bakuna?

Ang bakuna sa COVID-19 ay nabuo nang mabilis, ngunit ang mga  klinikal na pagusbok upang suriin ang kaligtasan at bisa ay hindi minadali. Ang pagbuo at pagsusuri ng bakuna ay madalas nagtatagal nang  ilang taon dahil mayroong maraming bureaucratic at administratibong hadlang  na madalas nakapagpatagal. Dahil sa matinding pangangailangan ng publiko, ang mga  administratibong hadlang na ito ay nabawasan nang hindi nakompromiso ang  maraming buwan na kailangan para magsagawa ng masusing pagsubok. At habang kumikita ang mga kumpanya mula sa mga bakuna, ang mga  ito ang kadalasang hindi gaanong kumikitang produkto kumpara sa ibang mga  gamot tulad ng Viagra.

Nauunawaan namin na maaaring mahirap paniwalaan ang mga kumpanyang parmasyutikal, lalo na kung isasaalang-alang ang kanilang papel sa  kasalukuyang krisis sa opioid. Gayunpaman, ang bakuna ay walang indibidwal na gastos sa iyo at  isang mahalagang hakbang sa pagprotekta sa kalusugan mo at ng iyong  anak, tulad  lang ng pag-inom ng mga prenatal supplement at pagsusuri sa kalusugan.

Napakaraming magkasalungat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng bakuna. Paano ko masasabi kung ano ang wasto?

Napakaraming magkasalungat na impormasyon sa online, lalo na sa media. Inirerekomenda  namin ang pagsunod sa mga diskarte upang pabulaanan ang tradisyunal na maling  impormasyon:

1.  Una, tukuyin ang  pinagkukunan ng impormasyong iyong nakikita. Ito ba ay isang kagalang-galang  na mapagkukunan? Ang  mapagkukunan ba ay mula sa mahusay na itinatag na organisasyong  kapani-paniwala sa agham tulad ng CDC, Amerikanong Samahan ng mga Obstetrician at Ginekolohista  (American College of Obstetricians and Gynecologists) o, ang Lipunan para sa  Medisinang Pang-Ina at Pang-Sanggol (Society for Maternal and Fetal Medicine)  atbp. Kung ang pinagkukunan ay isang indibidwal, ano ang kanilang mga  kredensyal? Kung mahirap tasahin, laging magtanong sa iyong tagapagbigay ng  serbisyong pagpapaanak (OB). Sila ang nasa iyong pangkat ng pangangalaga at masayang tulungan  ka na mahanap mo ang wasto at pinagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa  bakuna sa COVID-19.

2.  Maghanap ng saklaw sa  paksa mula sa maraming mapagkukunan. Ano ang sinasabi ng maraming eksperto, media, at organisasyon tungkol  sa paksa? Sa pahinang ito, sinangguni namin ang lahat ng aming mga sagot  kasama ng mga siyentipikong pag-aaral at rekomendasyon mula sa lubos na kapani-paniwalang mga medikal na samahan. Libu-libong mga buntis at nagpapasusong indibidwal ang nag-ambag  sa mga pag-aaral na ito.

Ang aking komunidad ay napailalim sa kapootang panlahi sa  sistema ng pangangalagang pangkalusugan. Paano ko pagkakatiwalaan ang rekomendasyon ng medikal na  institusyon na tumanggap ng bakuna sa COVID-19 sa gitna ng makasaysayang  hindi etikal na mga kasanayan tulad ng pag-eeksperimento sa mga komunidad ng  Itim, Latino, Katutubo at Asyanong Amerikano sa Estados Unidos?

Ang kapootang panlahi sa medisina ay isang matinding  kawalang-katarungan at kabiguan na suportahan ang kalusugan ng mga komunidad na dapat nating paglingkuran. Kinikilala namin ang iyong mga tunay na balidong alalahanin tungkol sa bakuna para sa COVID-19 na ibinigay sa iyong mga buhay na  karanasan sa kapootang panlahi sa mga medikal na institusyon at mga  tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Nag-aalala kami tungkol sa hindi katimbang na mataas na antas ng  COVID-19, nauugnay na pagdurusa at pagkamatay sa mga komunidad na may kulay. Umaasa kami na sa pamamagitan ng pagtaas ng mga antas ng pagbabakuna, lalo na sa mga  buntis na indibidwal, mapoprotektahan nito ang kalusugan mo at ng iyong  sanggol. Umaasa kami na makikipag-ugnayan ka sa mga pinagkakatiwalaang  miyembro ng pamilya, mga pinuno ng komunidad at mga tagapagbigay ng pangangalagang  pangkalusugan upang malaman ang higit pa tungkol sa kanilang mga karanasan sa  bakuna sa COVID-19. Lubos naming inirerekomenda ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa  pagbubuntis upang maprotektahan ang kalusugan ng iyong sarili at ng iyong  sanggol.

Mga Panganib sa Sakit na COVID-19 Habang Nagbubuntis
Expand to read FAQ answer
Mga Panganib sa Sakit na COVID-19 Habang Nagbubuntis?

Oo. Sa isang  pag-aaral sa 3,750 na sanggol na ipinanganak sa mga buntis na indibidwal na  may COVID-19, 8.1% ng mga bagong silang ang nagpositibo sa COVID-19.

Source:
CDC: COVID Data Tracker

Ano ang  aking mga panganib sa COVID-19 sa pagbubuntis o kaagad matapos ng  panganganak?

Ang mga  buntis o kamakailang buntis na indibidwal na nahawa ng COVID-19 ay may mas mataas na panganib na mamatay, maospital,  mangailangan ng tubo sa paghinga, at panganganak nang wala sa panahon o patay  na panganganak. Sa  maikling panahon, 15 buntis na babae ang namatay dahil sa COVID-19 sa  Mississippi lamang at 8 sa mga pagkamatay na iyon ay nangyari sa loob ng  ilang buwan sa panahon ng pagtaas ng Delta variant noong 2021. Ang  pagkakaroon ng sobra sa timbang sa simula ng pagbubuntis o pagkakaroon ng  diabetes ay higit pang nagpapataas sa mga panganib na ito. Sa  pangkalahatan, ang mga buntis na indibidwal na may COVID-19 ay 22 beses na  mas malamang na mamatay sa pagbubuntis kumpara sa mga hindi nahawaang buntis.

Kapag ang mga buntis na indibidwal ay nagkasakit ng COVID-19 at  nangangailangan ng ventilator, isang paraan upang mapabuti ang kanilang  paghinga ay sa pamamagitan ng pag-aanak sa sanggol. Nangangahulugan ito na ang pag-aanak sa sanggol nang wala sa  panahon (masyadong maaga ang mga linggo o buwan) ay maaaring makatulong sa  buntis na mabuhay, ngunit sa kapinsalaan ng kalusugan ng sanggol. Napag-alaman  sa isang pag-aaral na ang hindi nabakunahan na mga buntis na indibidwal na  may COVID-19 ay may 59% na mas mataas na antas ng panganganak na wala sa  panahon kumpara sa mga walang COVID-19. Ang  panganganak na wala sa panahon ay nakapipinsala para sa iyong sanggol at  maaaring humantong sa mga seryosong komplikasyon kabilang ang mga kapansanan  sa pag-unlad at pisikal, matagal na pananatili sa NICU, at maging ang  pagkamatay ng sanggol.

Mga Pinagkukunan:
• Mga  Sentro sa Pamamahala at Pagpigil ng Sakit (CDC, Centers for Disease Control  and Prevention): Pagbabakuna sa COVID-19 para sa mga Buntis na Tao para  Maiwasan ang Malubhang Sakit, Pagkamatay, at Masamang Resulta ng Pagbubuntis  mula sa COVID-19
• WJTV: 72 hindi naisilang na sanggol, 15 buntis na kababaihan ang namatay dahil sa COVID-19 sa Mississippi
• Mga Sentro sa Pamamahala at  Pagpigil ng Sakit (CDC, Centers for Disease Control and Prevention): Mga Taong May Partikular na Medikal na mga Kondisyon
• Pahayagan ng Amerikanong Medikal na Samahan (JAMA, Journal of American Medical Association) Pedyatrya: Pagkasakit at Pagkamatay sa mga Ina at Bagong Silang sa mga Buntis na

Nakasasanhi ba ng patay na panganganak ang COVID-19?

Oo. Kung ang mga buntis na tao ay nagkasakit ng COVID-19, maaaring  mangyari ang pinsala sa inunan. Ang mga buntis na tao na may sakit na COVID-19 ay may dobleng  panganib ng patay na panganganak sa dating mga variant ng SARS-CoV-2. Ang  Delta veriant ay nauugnay sa 4x na mas mataas na panganib sa patay na  panganganak.  Ang mataas na lebel ng virus na nakita sa fetus na patay ipinanganak sa ilang mga kaso matapos  magkaroon ng COVID-19 ang ina.

Mga Rekomendasyon sa Bakuna
Expand to read FAQ answer
Ano ang pinakamainam na panahon sa pagbubuntis upang tumanggap ng bakuna?

Anumang panahon, at mas maaga mas mabuti! Ligtas  para sa iyo at sa iyong sanggol na tumanggap ng bakuna sa COVID-19 sa anumang yugto ng pagbubuntis. Dahil sa mga panganib sa COVID-19 sa pagbubuntis at mga komplikasyon para sa iyong  kalusugan at kalusugan ng iyong sanggol, mas  maaga kang mabakunahan, mas protektado kayong dalawa.

Ano ang kasalukuyang mga rekomendasyon tungkol sa bakuna ng Johnson & Johnson?

Inirerekomenda ng Kagawaran ng Kalusugan ng Estado ng Washington na piliin ng mga taong 18  at mas matanda na na tumanggap ng mRNA COVID-19 na bakuna (Pfizer-BioNTech o  Moderna) sa halip na isahang-dosis na bakuna ng Johnson & Johnson (J&J). Ang update na ito ay sumusunod sa patnubay at rekomendasyon mula sa Komite sa Pagkokonsulta ukol sa mga  Kasanayan sa Pagbabakuna (ACIP, Advisory Committee on Immunization Practices) ng Mga Sentro sa Pamamahala at Pagpigil ng Sakit (Centers for Disease Control  and Prevention) at ng Pangkat sa Trabaho sa Siyentipikong Pagrepaso ng  Kaligtasan sa Kanlurang mga Estado (Western States Scientific Safety Review  Workgroup). Ang mga indibidwal na gustong tumanggap ng bakunang J&J ay  hinihikayat na makipag-ugnayan sa kanilang tagapagbigay ng pangangalagang  pangkalusugan upang talakayin ang kanilang mga opsyon dahil mayroon pa ring J&J.

Ang rekomendasyon sa pagkatig ay sumusunod sa bagong datos na ipinakita sa ACIP tungkol sa thrombosis at thrombocytopenia syndrome, o TTS.  Ang TTS ay isang bihira ngunit seryosong kondisyon na kinasasangkutan ng mga  namuong dugo at mababang bilang ng platelet ng dugo na nakikita sa ilang tao  na nakatanggap ng bakunang J&J. Gayunpaman, ang panganib ay bihira. Sa buong  bansa, 54 na kaso ng TTS, kabilang ang siyam na kumpirmadong pagkamatay, ang  naiulat, na isang bahagi ng porsyento ng 14 na milyong dosis ng J&J na ibinigay sa pangkalahatan. Bagama't nakita ang TTS sa parehong mga lalaki at babae, ang  pinaka-peligrong grupo ay mga kababaihang 30 hanggang 49 taong gulang. Ang mga taong nakatanggap ng bakunang J&J na nagkakaroon ng  matinding pananakit ng ulo, pananakit ng tiyan, pananakit ng binti, o kahirapan sa paghinga sa loob ng tatlong linggo matapos ng pagbabakuna ay dapat makipag-ugnayan sa kanilang tagapagbigay ng pangangalagang  pangkalusugan.

Sa rekomendasyong ito, ang mga bakunang COVID-19 batay sa mRNA  ay mas gusto kaysa sa bakuna sa J&J, ngunit  ang J&J ay patuloy na magiging opsyon para sa mga hindi nakakatanggap ng  bakunang mRNA.

Paano Gumagana ang mga Bakuna?
Expand to read FAQ answer
Paano gumagana ang mga bakunang mRNA sa COVID-19 (Pfizer at  Moderna)?

Ang lahat ng mga bakuna sa COVID-19 ay "sinasanay" ang  immune system na kilalanin, atakehin at sirain ang isang maliit na piraso ng  virus. Sa ganitong paraan ang iyong immune system "inaaral ang kaaway" at pagkatapos ay maaaring mabilis na tumugon at magdala ng mga alon ng mga immune cell upang talunin ang tunay na virus sa hinaharap.

Gumagana ang mga bakunang Pfizer at Moderna sa pamamagitan ng pagpasok ng messenger  RNA (mRNA) sa mga selula ng kalamnan. Ang mga  selula ay gumagawa ng maraming kopya ng COVID-19 spike protein, na mag-uudyok  sa katawan na gumawa ng nagpoprotektang immune na tugon. Mabilis  na nasisira ang mRNA, dahil hinahati ito ng selula sa maliliit na hindi  nakakapinsalang piraso pagkatapos ng ilang araw. Ang mRNA  ay napakaselan na isa sa dahilan kung bakit ang bakunang Pfizer ay kailangang  panatilihin sa napakalamit na mga freezer. Walang “buhay na virus” sa bakuna sa COVID-19 o anumang iba pang mapanganib na mga  sangkap, kaya ligtas ang bakuna sa COVI-19 para sa mga buntis at  nagpapasusong indibidwal.

Pinagkukunan: Mga  Sentro sa Pamamahala at Pagpigil ng Sakit (CDC, Centers for Disease Control and Prevention): Pag-unawa sa mga  Bakunang mRNA sa COVID-19

Mga Variant, Booster, at Bago ang Impeksyon sa COVID-19
Expand to read FAQ answer
I had COVID-19.  Do I still need the vaccine?

Oo. Kumpara sa natural na impeksyon, inuudyok ng bakuna ang katawan  na gumawa ng malakas na nagpoprotektang mga antibody, na matugampay na nalilipat sa mga fetus sa pgbubuntis. Maraming  tao ang nagkasakit sa COVID-19 nang higit sa isang beses, na malamang dahil sa mas mahinang tugon ng immune na  nanggagaling sa natural na mga impeksyon.

Paano kung nabakunahan ako at nagkaroon ng breakthrough na  impeksyon sa COVID-19 sa pagbubuntis?

Ang iyong sakit ay malamang na napakabanayad at sa ilang mga  kaso, ang mga tao ay wala talagang sintomas sa breakthrough na  impeksyon. Nangangahulugan ito na gumagana ang iyong bakuna – pinigian nito  ang malubhang sakit na maaaring makamatay o magsanhi ng hindi magandang  epekto sa pagbubuntis. Sa mga pag-aaral sa mga bunti na naopsital na may COVID-19, 97% ay hindi bakunado.

Pinagkukunan: Mga  Sentro sa Pamamahala at  Pagpigil ng  Sakit (CDC, Centers for Disease Control and Prevention): Pagbabakuna sa  COVID-19 para sa mga Buntis upang Pigilan ang Malubhang Sakit, Pagkamatay, at  Masamang mga Resulta sa Pagbubuntis mula sa COVID-19

Kwalipikado  baa ko para sa at dapat ba akong tumanggap ng booster sa COVID-19?

Oo. Ang booster na dosis sa COVID-19 is inirerekomenda sa  pagbubuntis. Kung  ikaw ay 5 na buwan mula sa iyong ikalawang dosis ng Pfizer o Moderna COVID-19  na mga bakuna at buntis, kailangan mo na ng iyong booster na dosis. Kung  ikaw ay 2 buwan mula sa iyong bakuna sa Johnson & Johnson, kailangan mo  na ng iyong booster na bakuna. Kung  ikaw ay 2 buwan mula sa iyong bakuna sa Johnson & Johnson, kailangan mo  na ng iyong booster na bakuna. Matutulungan nitong  bigyan ang iyong immune system ng karagdagang booster sa alaala upang patuloy  na protektahan ka at iyong sanggol laban sa pagkalantad sa COVID-19. Ang  pagtanggap ng booster sa COVID-19 kung ikaw ay kwalipikado ay napakahalaga sa  pagprotekta sa iyo at ng iyong sanggol mula sa malubhang sakit.

Mga  Pinagkukunan:
•  Ang Amerikanong Samahan ng mga Obstetrician at Ginekolohista (American  College of Obstetricians and Gynecologists): Coronavirus (COVID-19),  Pagbubuntis, Pagpapasuso: Isang Mensahe para sa mga Pasyente
•  Lipunan para sa Medisina na Pang-Ina at Pang-Sanggol (SMFM, Society for  Maternal Fetal Medicine): Mga Isaalang-alang ng Tagapagbigay-serbisyo sa  Pagsali sa Pagpapayo ukol sa Bakuna sa mga Buntis at Nagpapasusong Pasyente
•  Amerikanong Lipunan para sa Medisina sa Pag-aanak (ASRM, American Society for  Reproductive Medicine): Pangangasiwa ng Pasyente at Klinikal na mga  Rekomendasyon sa Panahon ng Pandemya sa Coronavirus (COVID-19)

Aling booster sa COVID-19 ang dapat kung kunin?

Inirerekomenda ng CDC na dapat kumuha ang isang indibidwal ng  alinman sa kasalukuyang mga booster na bakuna sa COVID-19 na kasalukuyang  mayroon. Ang tiyempo ng mga boster at kung aling booster ang kukunin ay  patuloy na nagbabago at umuunlad. Mangyaring tingnan ang pinakahuling impormasyon tungkol sa  booster mula sa CDC.

Mga  Pinagkukunan:
• Mga Sentro sa Pamamahala at Pagpigil ng Sakit (CDC, Centers for Disease Control and Prevention): Mga Booster na Dosis sa COVID-19  , Maikukumparang Bisa ng Moderna, Pfizer-BioNTech, at Janssen (Johnson & Johnson) na mga Bakuna sa Pagpigil sa mga
• medRxiv:  Heterologous na Pagbabakuna ng Booster sa SARS-CoV-2 Paunang Ulat

Ano ang alam namin tungkol sa bagong mga variant ng COVID-19  virus at mga reuslta sa pagbubuntis?

Bawat  ilang buwan tila nahaharap tayo sa bagong variant ng COVID-19 virus. Sa kaso ng Delta variant, ang mga buntis na nahawa sa variant na  ito ng COVID-19 ay naiulat na nagkaroon ng 2-4 beses na mas mataas na  panganib sa malubhang sakit, panganganak  nang wala sa panahon at pangangailangan ng ventilator. Kung ang bagong mga variant ng COVID-19 ay magsasanhi sa mas  marami o mas kaunting impeksyon at malubhang sakit sa pagbubuntis ay  mangangailangan ng panahon upang alamin. Ang mga  buntis na indibidwal ay isa sa mga grupong may pinakamataas na panganib sa  malubhang sakit sa COVID-19 at pagkamatay, napakahalaga na mabakunahan, tumanggap ng booster sa COVID-19  kapag kwalipikado, manatiling  maingat sa pamamagitan ng pagsuot ng mask, pagpapanatili ng pagitan sa iba at  pagpapanatili ng iyong maliit na “bula”.

Regla at Fertility
Expand to read FAQ answer
Mayroon  bang ugnayan sa pagitan ng bakuna sa COVID-19 at mga pagbabago sa regla?

Ito ay pinag-aaralan, ngunit mukhang bihira  ito.  Ang mga pagbabago sa regla ay maaaring nangyari sa mas mababa sa  1% ng mga indibidwal at panandalian. Sa  United Kingdom, sa higit 49.1 milyong kababaihan na nabakunahan, mayroong  41,332 ulat ng posibleng mga pagbabago sa regla (0.0008%).
Ang karaniwang regla ay malawak na nag-iiba tao sa to at buwan  sa buwan. Ehersisyo, dyeta at kahit stress ay maaaring magpabago sa regla,  pati na rin ang maraming mga gamot kabilang ang pampigil sa pagbubnutis. Ang ilang pag-aaral sa iba’t ibang mga bansa ay nagpahiwatig na  ang sikolohikal na stress dulot ng pandemic ang nagpataas ng iregularidad sa  regla ng mga kababaihan. Sa isang pag-aaral sa 127 kababaihan na may sakit sa COVID-19, 16% ang nakapansin ng mga pagbabago sa kanialng regla, na pinakakaraniwang  naiulat bilang iregular na regla. Kapansin-pansin na ang mga kababaihang nag-ulat ng mas maraming  sintomas sa COVID-19 ay mas malamang na nagkaroon ng hindi regular na  regla. Bilang buod, lumalabas na ang mga hindi regular na regla ay  karaniwang naiulatmatapos ang sakit sa COVID-19 (16%), lalo na kapag ang mga  babae ay may sakit, at bihira matapos ng pagbabakuna sa COVID-19  (<1%). Karagdagang  pananaliksik pa ang isinasagawa sa paksang ito.

Mga Pinagkukunan:
Pambansang Institusyon ng Kalusugan at Pagsulong ng Bata (NICHD, National Institute of Child Health and Development): Pinondohan ng NIH ang mga pag-aaral upang tasahan ang potensyal
• Amerikanong Pahayagan ng Obstetric at Ginekolohiya (AJOG, American Journal of Obstetrics & Gynecology): Ang impeksyon sa SARS-CoV-2 at ang kasunod na mga pagbabago sa regla sa mga
• Mga Hangganan sa Endokrinolohiya (Frontiers in Endocrinology): Ang Epekto ng Pandemya sa COVID-19 sa Kalusugan sa Pag-aanak ng mga Kababaihan
• Pananaliksik ng Pahayagan ng Obstetric at Ginekolohiya (The Journal of Obstetrics and Gynaecology): Ang epekto ng mga isyu sa kalusugan ng isip kaugnay sa COVID-19 sa mga katangian ng regla ng mga tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa mga kababaihan
• Ang Pahayagan ng Obstetric at Ginekolohiya (The Journal of Obstetrics and Gynaecology): Tatsulok ng COVID, pagkabalisa at regla